-- Advertisements --
Ibinalik bilang mosque ang sikat na Hagia Sophia museum sa Istanbul, Turkey.
Inanunsiyo ito ni Turkish President Recep Tayyip Erdogan matapos na tanggalin ng korte ang status ng museum.
Itinayo ito ng 1,500 taon na ang nakakaraan bilang Orthodox Christian cathedral at noong 1453 ay ginawa itong mosque matapos.
Taong 1934 ng maging museum ito sa isa na ngayong Unesco World Heritage site.
Depensa naman ng mga opisyal ng Turkey na maaari pa rin itong bisitahin ng mga turista.
Dagdag pa ni Erdogan na ang habkbang ay may malaking benepisyo sa kanilang bansa.
Matagal na kasing ipinapanawagan ng mga Islamists sa Turkey na gawin na lamang mosque ito subalit kinontra ito ng mga secular opposition members.