-- Advertisements --
Bahagyang nabawasan ang lakas ng typhoon Hagibis, isang araw bago ang inaasahang pagpasok nito sa teritoryo ng Japan.
Pero ayon kay Pagasa forecaster Jomaila Carrido, nananatili pa ring malakas ang bagyo at nagbabantang manalasa sa syudad ng Tokyo.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,800 km sa silangan hilagang silangan ng extreme Northern Luzon.
May taglay itong hangin na 175 kph at may pagbugsong 215.
Kumikilos ito nang pahilaga hilagang kanluran sa bilis na 20 kph.
Samantala, patuloy namang binabalaan ang mga residente ng Caraga, Davao region at Northern Mindanao dahil sa posibilidad ng pagbaha bunsod ng extension ng bagyong Hagibis.