-- Advertisements --
Bahagyang bumagal ang typhoon Hagibis na nasa labas pa rin ng Philippine area of responsibility (PAR).
Ayon sa Pagasa, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 2,250 km silangan ng Central Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 200 kph malapit sa gitna at may pagbugsong 245 kph.
Kumikilos ang sama ng panahon nang pahilagang silangan sa bilis na 25 kph.
Muli namang ipinaalala ng Pagasa na dapat maghanda sa pag-ulang maaaring mahatak ng bagyo, kahit hindi ito magla-landfall.
Sa ibang weather agency ay itinuturing na ito bilang supertyphoon.