-- Advertisements --

Malabong nang pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong nasa silangan ng ating bansa na may international name na “Hagibis.”

Ayon kay Pagasa forecaster Meno Mendoza, nagbago na ang direksyon ng bagyo sa nakalipas na mga oras at nagbabanta ito sa bansang Japan.

Huling namataan ang sama ng panahon sa layong 2,020 kilometro sa silangan ng Northern Luzon.

Kumikilos ito nang pahilagang kanluran sa bilis na 20 kilometro bawat oras.
Para sa Pagasa, nasa typhoon category pa rin ito, ngunit sa Japan Meteorological Agency (JMA) at Joint Typhoon Warning Center (JTWC) ay isa na umano itong super typhoon na may lakas ng hangin na mahigit 200 kph.