-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Ramdam na sa malaking bahagi ng Caraga Region ang hagupit ng bagyong Dante kahit na hindi pa ito nagla-landfall.

Ito ay matapos na iilang national highway ng Agusan del Norte, Agusan del Sur at Surigao del Sur ang nabahaan na pati na ang iilang barangay ng Butuan City.

Sa Purok 1-C ng Brgy. Ampayon nitong lungsod ng Butuan iilang mga residente na ang inilikas sa designated evacuation center matapos na umabot na sa taga-baywang ang tubig-baha na dahil sa iilang oras pa lamang na pag-ulan.

Sa interview ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ng residenteng si Charito Reso na umabot na hanggang bewang ang baha sa kanilang lugar matapos na wala nang madadaanan ang tubig dahil sa housing project sa kanilang lugar, at umapaw na rin ang tubig sa main line ng irrigation canal ng National Irrigation Administration (NIA).