-- Advertisements --
Ramdam na ang hanging dala ng bagyong Hanna sa Batanes, makaraang lumakas pa ito sa mga nakalipas na oras.
Taglay na ng nasabing sama ng panahon ang lakas ng hangin na 140 kph at pagbugsong 170 kph, habang nasa kategorya bilang “typhoon.”
Huling namataan ng Pagasa ang sentro ng bagyo sa layong 590 km sa silangan ng Basco, Batanes.
Kumikilos ito nang pakanluran hilagang kanluran o sa direksyong patungo sa northern portion ng Taiwan sa bilis na 15 kph.
Sa kasalukuyan, nakataas ang tropical cyclone signal number one sa Batanes at Babuyan Group of Islands.