Tinamaan ng pinakawalang rockets ng militanteng Hezbollah ang ikatlong pinakamalaking siyudad ng Israel na Haifa na ikinasugat ng 10 katao sa bisperas ng ika-isang anibersaryo ng invasion ng kanilang kaalyadong Hamas sa Israel.
Ayon sa Hezbollah, na-target nila ang military base south ng Haifa ng magkakasunod na Fadi 1 missiles.
Base naman sa reports, 2 rockets ang tumama sa Hifa sa Mediterranean Coast ng Israel at 5 iba pa ang tinamaan sa Tiberias na 65 km ang layo.
Iniulat naman ng local police na ilang mga gusali at ari-arian ang napinsala at may ilang reports din ng minor injuries kung saan ang ilan ay dinala sa malapit na ospital.
Sa panig naman ng Israeli military, iniulat nito na tinamaan ng kanilang fighter jets ang targets sa Intelligence Headquarters ng Hezbollah sa Beirut kabilang ang intelligence-gathering means, command centers, at karagdagang infrastructure sites.
Sa nakalipas na mga oras din, tinamaan ng air strikes ng Israel ang weapon storage facilities ng Hezbollah sa Beirut. Gayundin ang Hezbollah targets sa southern Lebanon at Beqaa area.