Nagdeklara na ang bansang Haiti ng state of emergency kasunod ng gang assault at violent clashes na sumira ng linya ng komunikasyon at naging dahilan para makatakas ang ilang libong bilanggo sa Port-Au Prince.
Ayon sa ulat, ang nasa likod ng mga pag-atake ay ang lider ng nangungunang gang sa capital ng Haiti dahil balak umano nitong patalsikin ang Prime Minister ng bansa na si Ariel Henry.
Bilang pagtugon sa nangyayaring kaguluhan, nagpatupad na rin ng curfew sa siyudad.
Base sa mga ulat ng international media, nasa 100 na bilanggo na lamang ang natira sa kulungan na may tinatayang 3,800 na bilanggo.
Naglabas na ng kautusan ang Haitian government na hulihin ang mga susuway sa curfew. Kinakailangan umano nila itong gawin upang manumbalik ang kapayapaan sa siyudad at makapag-plano ng mga susunod na hakbang hinggil sa kasalukuyang sitwasyon ng Port-Au Prince.