Idineklara ni Haiti’s acting Prime Minister Claude Joseph ang “state of siege” dahil sa pagpatay ng kanilang pangulo na si Joevenel Moise.
Sinabi ni Joseph na ang nasabing desisyon ay base na rin sa desisyon ng magpulong ang mga council of ministers.
Nakasaad sa kanilang batas na mayroong tatlong uri ng emergency na magsisimula sa “state of emergency” na susundan ng “state of siege” at ang pinakamataas na uri ay ang “state of war”.
Sa ilalim ng state of siege na lahat ng mga borders ay nakasara at temporaryong ipinapatupad ang martial law na ang mga kapulisan at military ang mangunguna sa pagpapatupad ng batas.
Nanawagan ito sa mga mamamayan na maging kalmado at tiniyak niya ang pag-aresto sa mga suspek.
Magugunitang pinatay si Moise ng lusubin ng mga armadong kalalakihan ang kaniyang bahay.