-- Advertisements --

Patuloy pa rin na hinahanap ng mga kapulisan sa Haiti ang mastermind sa pagpatay kay President Jovenel Moise.

Ito ay matapos na mapatay nila ang ilang mga suspek sa pumatay sa kanilang pangulo.

Sinabi ni Police Chief Leon Charles, natunton nila ang suspek sa bahay malapit sa pinangyarihan ng krimen.

Bukod sa mga nasawing suspek ay mayroong anim na suspek ang kanilang naaresto.

Magugunitang binaril sa kaniyang bahay ang 53-anyos na pangulo na sinasabing ang mga suspek ay mga dayuhan at trained killers.

Isang suspek na si James Solages ay US citizens habang ang isang suspek ay Haitian American.