Patay ang presidente ng Haiti’ na si Jovenel Moïse matapos ang nangyaring pag-atake sa mismong bahay niya ng mga armadong grupo.
Ito ang kinumpirma ng interim Prime Minister Claude Joseph.
Ayon sa kanya ang bahay ng presidente ay nasa kabisera ng Port-au-prince na siyang inatake ng mga salarin.
Ang first lady naman ay sugatan sa naturang pangyayari.
Kaugnay nito, tiniyak ni Joseph na gumawa na sila nang paraan para hindi madiskarel ang pamamahala ng gobyerno kasunod nang asasinasyon sa kanilang lider.
Si President Moïse, 53, ay nailuklok sa kapangyarihan noong February 2017 kasunod ni President Michel Martelly na bumaba sa puwesto.
Sa kanyang panunungkulan naharap si Moïse sa maraming akusasyon sa korapsiyon maging ng mga insidente ng mga bayolenteng anti-government protests.
Kabilang sa panawagan sa kanya ng mga kritiko ay mag-resign siya sa kanyang katungkulan.