Naging tensyonado ang sitwasyon sa Port-au-Prince airport ng Haiti matapos na ipa-deport o pabalikin ang mga libu-libong migrants mula sa Amerika.
Nangingibabaw ngayon ang galit sa mga Haitian migrants dahil ilan umano sa mga ito ay hindi nasabihang papabalikin sa Haiti.
Sa isang statement iniulat ng Department of Homeland Security na nakaranas ng asulto ang mga piloto ng isang US plane lulan ang mga Haiti migrants at sugatan din ang ilang kasamang mga US immigration officers.
Sa hiwalay na insidente naman sa Texas, ilang grupo ng Haitians ang napaulat na nakipag-away sa mga Border patrol agents at sinubukang tumakas ng malamang ipapa-deport sila pabalik ng Haiti.
Binatikos naman ng non-government organization na Partners In Health ang deportation sa mga Haiti migrants.
Noong nakalipas na linggo nang simulan ng Amerika ang pagpapabalik sa mga migrants mula sa US- Mexico border kung saan aabot sa 13,000 na mga imigrants ang dumagsa sa naturang border na nagnanais na manirahan sa Amerika na karamihan ay mga Haitians sa bisa ng tinatawag na Title 42 policy ng Amerika alinsunod sa public health measure sa gitna ng covid19 pandemic. (with reports from Bombo Everly Rico)