Itinuturing na magiging record breaking ang bilang ng mga pilgrims sa Hajj sa Mecca, Saudi Arabia.
Nagsimula noon pang araw ng Linggo ang taunang pilgrimage sa Mecca.
Magsasagawa sila ng seremonyas ng tawaf o iniikutan nila ang Kaaba.
Ayon sa Suadi Ministry of Hajj at Umrah na asahan ang pinakamalaking Hajj pilgrimage sa kasaysayan na aabot sa halos tatlong milyon.
Magugunitang noong kasagsagan kasi ng COVID-19 pandemiic ay mayroong 10,000 katao lamang ang pinayagan nilang makilahok noong 20202 habang noong 2021 ay mayroong 59,000 ang pinayagan at noong 2022 ay umabot na sa isang milyong katao ang kalahok.
Magiging malaking hamon sa mga pilgrims ang labis na init ng panahon na umabot pa sa 45 degrees -Celcius.
Naglagay naman ang Saudi government ng 32,000 health workers at ilang libong ambulansya sakaling may makaranas ng heat stroke, dehydration at pagkahapo.