-- Advertisements --

Nakadepende sa resulta sa gagawing imbestigasyon ng Philippince Coast Guard (PCG) ang magiging hakbang ng pamahalaan kaugnay sa presensiya ng mga Chinese research vessel na namataan sa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro sa ngayon ipinauubaya na muna ng Malakanyang sa Philippine Coast Guard (PCG) ang nasabing asunto.

Tumanggi naman mag komento ang Palasyo kung ano ang magiging hakbang ng gobyerno sakaling mapatunayan na nagsasagawa ng marine scientific research ang namataang Chinese Research Vessel sa teritoryo ng bansa.

Binigyang-diin ni Castro ang nasabing asunto ay sensitibo kaya minabuti ng Palasyo na ipaubaya ang isyu sa PCG.

Una ng iniulat ng PCG na namataan sa kagaratan ng Cagayan ang isa pang Chinese research vessel.

Na detect ito sa pamamagitan ng Dark Vessel Detection Technology ng Canada.

Ang Chinese ship na Dian Ke 1 Hao ay namataan 24.84 nautical miles sa bayan ng Sta. Ana.

Ito na ang ikawalang Chinese research vessel na pumasok sa exclusive economic zone ng bansa.

Ayon kay PCG on the West Philippine Sea Spokesperson Commodore Jay Tarriella na wala pang malinaw na indikasyon na ang nasabing Chinese research vessel ay nagsasagawa ng marine scientific research sa loob ng teritoryo ng bansa.