CENTRAL MINDANAO- Todo paghahanda na ngayon ang Lokal na pamahalaan ng Midsayap Cotabato para sa selebrasyon ng Halad Festival.
Ayon kay Midsayap Mayor Rolly “Ur The Man”Sacdalan na pangugunahan na ngayon ng LGU ang Halad Festival matapos i-relinquish sa kanila ng Halad sa Sto. Niňo Association ang pamamahala ng selebrasyon.
Nagpahiwatid ang organisasyon na hindi nila kayang pangunahan o pamamahala ng Halad 2023 sa pamamagitan ng isang liham na ipinadala nila sa alkalde noong November 21,
“The LGU right now took the challenge: ang hamon ng pagpapatakbo ng Halad Festival”Mahirap man dahil maiksi ang panahon para sa paghahanda, ayaw nating biglang mawala ang saya matapos ang masayang pagdiriwang ng Sinugba”ani Sacdalan.
Sinabi ng alkalde na matapos matanggap ang liham mula sa Halad sa Sto. Niňo Association, agad niyang hiningi ang pananaw ng Sanguniang Bayan sa pamumuno ni Vice Mayor “Dok” Toto Deomampo Jr. Matapos ang matagumpay na pagpupulong noong December 5, 2022, pormal na inanunsyo ng LGU Midsayap ang pamamahala sa aktibidad.
Sa gayon ay kakaiba ang selebrasyon ng Halad Festival imbes na umaga ang indak-indak sa kadalanan ay mag-uumpisa na ito alas 5:00 ng hapon hanggang gabi at tinatayang mahigit 20 na ang mga kalahok mula lamang sa bayan ng Midsayap.
Hindi na ito pabonggahan ng costume at mga gamit ngunit pagalingan ng sayaw,simpli lang ngunit makulay at makabuluhan.
Umaasa si Sacdalan sa masayang pagdiriwang ng Halad Festival 2023 Katuwang ang Notre Dame of Midsayap College (NDMC), Parish Pastoral Council (PPC), Mamamayan ng Midsayap at iba pang mga pribadong organisasyon.
Maraming mga nakalatag na aktibidad sa halad Festival kung saan mag-uumpisa ngayong araw ang Pista sa Neon Zumba activity.
Plansado na rin ng pulisya,militar at mga Force Multipliers ang ipapatupad na seguridad sa Halad Festival 2023.