-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Todo paghahanda na ngayon ang Halad Sto Nino Foundation para sa selebrasyon ng Halad Festival sa bayan ng Midsayap North Cotabato.

Pinaplantsa na rin ng militar at pulisya ang seguridad sa gagawin na street dancing at showdown competition.

Kabilang sa paglalabanan ng Halad Festival sa Major Awards ang Best in Street Dancing Parade at Showdown Competition.

Sa minor Awards kabilang ang Best in Costume,Halad Festival Queen at Best Musical Group.

Sa mga mananalo ay tatanggap ng P300,000.00 ang 1st Prize with trophy,2nd Prize P200,000.00 with trophy,3rd Prize P150,000.00 with trophy at Consolation Prize P100,000.00 with certificate.

Sinabi ni Halad Festival 2020 Overall Chairperson Enedina Cacabelos na hanggang ngayon ay tatanggap pa sila ng mga lalahok sa Halad Festival sa open category at Local Category.

Inihayag naman ni Halad Sto Nino Association President Maureen Cacabelos na ang Halad Festival ay pasasalamat sa biyayang natanggap mula sa panginoon taon-taon at bahagi ng selebrasyon ng kapistahan ni Patron Sto Nino ngayong buwan ng Enero.

Umaasa naman si Halad Sto Nino Association Vice-Chairperson Rolly Sacdalan na sana magkakaisa ang lahat tungo sa makulay,masaya at mapayapang selebrasyon ng kapistahan ni Pit Señor, Santo Niño!’.