-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Tinatayang aabot sa P106 million ang halaga ng 16 na bloke ng floating cocaine na ntagpuan sa baybayin ng Purok 2, Brgy. Handamayan, Lingig, Surigao del Sur kahapon.

Ayon kay Lt. Col. Christian Rafols, information officer ng Police Regional Office Region 13 (PRO-13), ito ang hala ng 20 kilong timbang ng nasabing iligal na drogang nakabalot sa packaging tape at natagpuan ni Jolan Pocot, 25-anyos.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ng opisyal na dahil sa pinakahuling natagpuan, mahigit P1 billion na ang halaga ng 173 floating cocaine ang nasa kostudiya ngayon ng PRO-13.

Malaki ang pasasalamat ng opisyal sa lahat lalo na sa mga mangingisdang nakakita sa mga floating cocaine dahil kung ibang tao pa umano ang nakakita nito’y posibleng ibinibenta na ito.