-- Advertisements --

Umaabot na sa P4.2 billion ang halaga ng imprastrakturang nasira ng bagyong Ulysses.

Sa special presidential briefing sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), sinabi ni Public Works and Highways Sec. Mark Villar na aabot sa 52 road sections ang sarado pa ngayon at hindi pa madaanan ng mga sasakyan dahil sa bagyong Ulysses.

Ayon kay Sec. Villar, sarado ang mga kalsada dahil sa landslide, makapal na putik, mga natumbang puno at baha.

Sa naturang bilang, 14 na kalsada ang mula sa Cordillera Administrative Region (CAR), isa sa Region 1, 13 sa Region 2, walo sa Region 3, pito sa Region CALABARZON, walo sa Region 5 at isa sa Region 8.

Inihayag ni Sec. Villar, 19 ang national road na may limited access.

Inaasahang malilinis ang lahat ng kalsada at madadaanan na ng sasakyan bukas, November 14, 2020.