Iniulat ng Department of Energy ang pagtaas ng halaga ng danyos na iniwan ng bagyong Carina at ng Hanging Habagat sa power sector.
Batay sa report ng ahensiya, pumalo na ito sa Php4,599,350.58.
Ang mga ito ay naitala mula sa Central Pangasinan Electric Cooperative(CENPELCO), Benguet Electric Cooperative(BENECO) , at Mountain Province Electric Cooperative(MOPRECO).
Nakapagtala rin ng ilang pinsala ang Zambales Electric Cooperative II(ZAMECO) at Occiddenttal Mindoro Electric Cooperative(OMECO).
Ilan sa mga naitalang pinsala ay ang nasirang mga transmission lines, poste, atbpa.
Samantala, batay sa report ng Meralco, mayroon ngayong araw, July 27, mayroon pang 20,583 mula sa 662,412 power consumer ang nangangailangan ng power restoration. Ito ay katumbas ng 3.1%.
Binubuo ito ng Metro Manila na nasa 8,478 ang hindi pa naibabalik ang suplay ng kuryente mula sa 349,552 (2.4%), Bulacan – 11,702 mula sa 110,566 (10.6%) at Rizal – 403 mula sa 85,643 (0.5%)