-- Advertisements --

NAGA CITY- Kinumpirma ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)- Camarines Sur ang pagtaas ng halaga ng mga illegal na droga sa lungsod ng Naga bunsod ng nagpapatuloy na Enhanced Community Quarantine dahil sa COVID-19.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Arlene Galiza, Provincial Officer ng PDEA-Camarines Sur, sinabi nito na ito ay dahil hindi aniya malaya ang mga drug personality dala na rin ng mga restrictions sa lungsod.

Dagdag pa nito, na ito ay resulta rin ng mahinang supply.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang kanilang pagtutok sa mga iligal na gawain hinggil sa iligal na droga.