Iniulat ng Bureau of Customs (BOC) ang pagkakasabat ng hanggang P50 billion na halaga ng mga smuggled products sa bansa mula noong January 2024 hanggang ngayong buwan.
Isa sa pinakamalaking bulto nito ay binubuo ng mga tobacco at vape products na umaabot sa P1 billion.
Ang iba pang mga produkto ay kinabibilangan ng mga motor parts, smuggled agri products, at iba pa.
Ayon sa BOC, epektibo ang pakikipagtulungan nito sa Philippine Navy at Philippine Coast Guard na para mabantayan ang mga katubigan na kadalasang ginagamit ng mga smugglers para maipasok ang kanilang mga produkto.
Pinakahuling operasyon dito ay ang pagkakadiskubre sa kabuuang P94 million na halaga ng mga smuggled motor parts at mga accessories kasama na ang vape products sa ilang mga bodega sa Manila at Laguna.