-- Advertisements --
Umabot sa halos tatlong bilyong dolyar ang naging cash remittances ng mga Overseas Filipino Workers o OFWs noong buwan ng Agosto batay sa naging datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Pangunahing layunin ng nasabing remittances ay para suportahan ang pag-aaral at iba pang mga gastusin ng kanilang mga pamilya at kamag-anak dito sa bansa.
Batay sa datos ng BSP, ang kabuuang cash remittances o money transfer ng mga OFWs ay pumalo sa $2.885 billion na naitala noong buwan ng Agosto ng kasalukuyang taon.
Mas mataas ito ng 32% o katumbas ng $2.796 billion sa parehong buwan noong 2023.
Paliwanag ng BSP, ang paglobo ng mga naipapasok na cash remittances sa bansa ay dahil sa pagtaas ng bilang ng mga land at sea base OFWs.