Umabot na sa P21,463,000 ang halaga ng pinsala sa imprastraktura sa Davao de Oro matapos tumama ang magnitude 6 na lindol sa probinsya batay sa datos ng Office of Civil Defence.
Bukod sa 543 na bahay, napinsala rin ang 223 na iba pang istruktura ayon sa pinakahuling disaster bulletin ng Office of Civil Defence katuwang ang National Disaster Risk Reduction and Management Council o (NDRRMC).
Gayunpaman, ikinatuwa naman ng ahensya na walang mga kalsada at tulay ang malubhang nasira ng naturang lindol.
Wala ring malakihang communication at water interruption , at lahat ng apektadong linya ng kuryente ay kaagad na naayos.
Samantala, aabot naman sa 340 katao o 83 na pamilya ang apektado ng naturang pagyanig ng lupa.
Sinabi ng Office of Civil Defence na walang nasawi o naitalang nawawala matapos ang pagyanig subalit nagresulta pa rin ito ng pagkasugat ng 16 na indibiduwal.
Umabot naman sa P360,000 ang kabuuang tulong na naipamahagi sa mga apektadong indibidwal at pamilya