-- Advertisements --
Nagtala ang halaga ng Philippine peso ng record low sa pagsasara ng trading ngayong araw ng Martes, Abril 16, 2024.
Nairehistro ito sa halagang P57.00 kontra sa isang US Dollar.
Ito na ang pinakamatamlay na closing rate sa buong 2024.
Matatandaang ilang taon na ang nakakaraan nang huling magtala ng record na P57 ang kapalit ng isang US Dollar.
Sinasabing ang malakas na kalakalan sa Estados Unidos at sa iba pang parte ng mundo ang ilan sa sanhi ng pananamlay ng ilang currency mula sa Asia at mga karatig na lugar.