Tinatayang aabot sa P2 million hanggang P3 million ang halaga ng pinsala dulot ng pambobomba ng water cannon ng China sa Philippine Coast Guard vessel na BRP Bagacay.
Ito ang inihayag ni PCG Manila acting commander Commodore Arnaldo Lim sa media sa arrival ng BRP Bagacay sa Cunanan Wharf.
Inaasahan aniya na ang gobyerno din ng Pilipinas ang sasagot sa pagkumpuni ng mga nasirang parte ng barko.
Ibinahagi din ng opisyal na direktang tinamaan ang LED panel ng BRP Bagacay na ginagamit aniya sa pag-welcome at pagbibigay ng babala na hindi pwede mangisda sa isang lugar nang bombahan ng matinding pressure ng water cannon ng China at lubos na nasira.
Sisimulan aniya ng Coast Guard Commander Fleet ang pagkumpuni sa barko sa lalong madaling panahon.
Sa kasalukuyan, nakadaong na ang BRP Bagacay sa Pier 13 sa Manila South Harbor.