Lumobo pa sa P6.35 billion ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura dahil sa El Niño phenomenon base sa latest report ng DA-Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Operations Center.
Naapektuhan nito ang kabuhayan ng mahigit 100,000 magsasaka at mangingisda.
Nasa kabuuang 111, 702 ektarya naman ng mga sakahan ang apektado kung saan 31,568 ektarya ang wala ng tiyansang marekober pa.
Pinakamatinding napinsala ang rice sector na nasa 60,772 ektarya na nagkakahalaga ng P3.30 billion.
Sinundan ito ng mais na nasa P1.94 billion, high value crops P1.07 billion, sa sektor ng pangisdaan naman ay P33.83 million, nasa P3.25 million naman ang halaga ng pinsala sa kamoteng kahoy at P7.93 million naman sa livestock at poultry.
Samantala, nakapamahagi naman na ang pamahalaan ng kabuuang P2.37 billion na halaga ng tulong para sa mga magsasaka at mangingisdang naapektuhan ng El Nino phenomenon.