-- Advertisements --

Pumalo na sa halos P500 million ang halaga ng pinsalang iniwan sa sektor ng imprastruktura ng nagdaang bagyong Florita sa bansa.

Ayon sa pinakahuling situational report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mayroong 102 imprastruktura ang nasira mula sa ilocos region at Cagayan Valley na nagkakahalaga ng kabuuang P498,980,000.

Sa natuang bilang nasa 93 infrastructure dito na nasira ay mula sa Ilocos region na nagkakahalaga ng P474,580,000.

Mayroon namanh 9 na nasira mula sa Cagayan Valley na nagkakahalaga ng P24,400,000.

Sa sektor naman ng agrikultura, ayon sa NDRRMC nakapagtala ng pinsala na ansa kabuuang P3,414,672 sa Ilocos region.

Iniulat naman ng National Irrigation Administration na nasa P10,850,000 ang halaga ng pinsala sa Calabarzon.

Sa kakalsadahan naman, mayroong 9 mula sa CAR at Bicol region at 3 mula sa Ilocos region at cagayan valley ang hindi pa rin madaanan.

Nasa kabuuang 72 kabahayan naman ang nananatiling apektado ng nagdang bagyo kung saan 68 ang partially damage at apat naman ang totally damaged.

Mayroon pang mahigit 31,000 pamilya o 129,768 indibidwal sa 486 barangays a Ilocos region, Cagayan valley, central Luzon, calabarzon at CAR at NCR.

Kabuuang 286 ang nadisplaced na mga pamilya o halos 1000 indibidwal ang nananatili sa mga evacuation centers.

Sa ngayon, nananatili sa tatlo ang death toll dahil sa nagdaang bagyo at apat ang naitalang nasugatan.