-- Advertisements --
image 201

Sumampa na sa kabuuang P1.9 billion ang pinagsamang halaga ng danyos sa sektor ng agrikultura at imprastruktura dahil sa pananalasa ng nagdaang tatlong bagyo at habagat sa bansa.

Sa datos mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang pinsala sa agrikultura sa Cagayan, Central Luzon, Mimaropa, Western Visayas at Cordillera regions ay pumalo na sa P996,451,516.85.

Sa sektor naman ng imprastruktura, umaabot sa humigit kumulang P905,696,229.28 ang pinsalang naitala sa Ilocos, Cagayan, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Western Visayas at Cordillera region.

Bunsod nito, naapektuhan ang nasa 291,545 pamilya sa bansa o katumbas ng 1,084,632 indibidwal mula sa Ilocos, Cagayan, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Western Visayas and Cordillera regions, at Metro Manila.