-- Advertisements --
image 176

Iniulat ng Department of Agriculture (DA) ngayong araw na sumampa na sa P147 million ang halaga ng produktong pang-agrikultura na napinsala dahil malawakang pagbaha dulot ng shear line ay low pressure area (LPA).

Ayon kay DA Assistant Secretary Ariel de Mesa, bunsod ng shear line apektado na ang nasa 6,486 magsasaka.

Pinakamalawak na naapektuhan ay ang mga palayan na nasa P145 million.

Iniulat din ng DA official na kabilang sa mga probinsiya na matinding tinamaan ng walang tigil na pag-ulan ay ang Capiz, Northern Samar, Eastern Samar, at Samar sa Visayas Region at probinsiya ng Albay, Masbate, at Sorsogon sa Bicol Region.

Base sa latest data mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) , 2 katao ang kumpirmadong nasawi dahil sa pagbaha habang 1 naman ang nasugatan.

Apektado din ang mahigit 200,000 pamilya o mahigit 800,000 indibidwal mula sa 1,147 barangay sa Calabarzon, Mimaropa, Region 5,6 at 8.

Aabotnaman sa 74,290 indibidwal ang na-displace at kasalukuyang nanunuluya sa 139 evacuation centers.

Sa parte naman ng DA, nakapagpamahagi na ng P10 million halaga ng tulong para sa mga apektadong magsasaka gaya ng buffer stock ng mga binhi. mais at assorted vegetables, livestocks at alternatibong kabuhayan.