Umabot na sa P3.3 billion imprastraktura ang halagang iniwang pinsala ni Severe Tropical Storm (STS) ‘Kristine’ sa kabuuang 38,333 na paaralan sa Pilipinas ang naapektuhan ayon sa Department of Education (DepEd).
Sa partial na datos ng DepEd aabot sa P2.7 billion ang pag-reconstruct ng mga naapektuhan na classroom at karagdagang P680 million para naman sa major repairs ng mga ito.
Ayon pa sa ahensya nasa 2,700 classrooms ang naapektuhan ng bagyong ‘Kristine’ habang 1,361 naman ang iba pang hinihinalang na damage dahil dito apektado ang nasa 19.4 million na mag-aaral at 786,726 na mga guro at non-teaching personnel.
1,047 paaralan pa kasi ang kasalukuyang ginagamit bilang evacuation center para sa mga nasalanta ng bagyong ‘Kristine’.
Isinailalim naman ang nasa 861 na paaralan bilang secondary hazards na naapektuhan ng pagbaha at pagguho ng lupa.