Pumalo sa P28 million pesos ang halaga ng pinsalang iniwan sa nangyaring sunog kahapon, Agosto 11, sa isang bodega sa Brgy. Pajac lungsod ng Lapu-lapu.
Inihayag ni FO3 Jeffrey Gerodiaz, fire investigator ng Lapu-lapu City Fire Office, na natanggap nila ang alarma dakong alas 2:21 ng hapon.
Idineklarang under control ang sunog alas 2:48 ng hapon habang alas alas 3:17 na ng hapon nang ito’y idineklarang fire out.
Nabatid na ang bodega ay pag-aari ng isang Eric Mendoza at ginamit na imbakan ng mga furniture.
Base pa sa kanilang inisyal na imbestigasyon, sinabi ni Gerodiaz na posibleng dahilan ng sunog ay ang sira na breaker ng water pump batay na rin sa pahayag ng caretaker.
Wala namang naiulat na nasaktan o nasugatan sa sunog habang patuloy pa ang isinagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing insidente.