Umakyat na sa P5.7 billion ang halaga ng pinsalang iniwan ng supertyphoon Rolly pagdating sa mga imprastraktura, ayon sa DPWH.
Ang running total na ito ay mas mataas ng bahagya kung ikukumpara sa iniulat ng kagawaran kahapon na P5.6 billion.
Nabatid na ang running total ngayong Nobyembre 3 ay estimated cost pa lamang ng nasirang mga kalsada, tulay, flood-control structures, at public buildings.
Sinabi ni Public Works and Highway Secretary Mark Villar nasa P1.515 billion halaga ng pinsala ang iniwan ng bagyong Rolly pagdating sa mga kalsada, P458.2 million sa mga nasirang tulay, P2.036 billion halaga ng pinsalang iniwan sa mga flood-control structures, P367.25 million halaga ng nasurang mga public buildings, at P1.379 billion naman sa iba pang uri ng imprastraktura.