Umabot na sa P9 billion ang halaga ng pondong nailabas ng pamahalaan para matulungan ang mga magsasaka at mangingisdang naapektuhan ng El Niño Phenomenon.
Ayon kay Agriculture Assistant Secretary Arnel de Mesa, P700 million mula rito ay nagmula sa Presidential Assistance to Farmers and Fisherfolks.
Sa ilalim ng naturang programa, ang mga magsasakang naapektuhan ng El Niño ay maaaring makatanggap ng hanggang P10,000.
Ang ibang mga tulong ay sa pamamagitan ng ibat ibang mga agricultural inputs katulad ng mga abono, hybrid seeds, irrigation materials, atbpa.
Ayon kay De Mesa, mismong si PBBM ang naggawad sa mga tulong para sa mga magsasaka kasabay ng kanyang paglilibot sa ibat ibang bahagi ng bansa.
Kabilang sa mga lugar na naapektuhan ng El Niño at binisita mismo ni PBBM ay ang Zamboanga Peninsula, Soccsksargen, Northern Mindanao, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, Davao, Bicol, Cagayan Valley at Caraga Region.