-- Advertisements --
viber image 2023 06 03 21 57 39 325

Nasa P480,000 halaga ng school at office supplies ang napinsala sa sunog na tumupok sa isang general merchandise store sa Recto Avenue sa Binondo, Maynila ngayong araw, Hunyo 3.

Nagsimula umano ang sunog sa 3rd floor ng Pam Building, 864 Sun City sa Claro M. Recto Avenue corner Sto. Cristo Street.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), itinaas ang sunog sa unang alarma alas-10:30 ng umaga at sa ikalawang alarma alas-10:49 ng umaga.

Nakontrol ang sunog alas-11:45 ng umaga at naapula alas-12:27 ng tanghali.

Batay sa ulat ng Manila Police District (MPD), walang ibang establisyimento na naapektuhan.

Sinabi rin nito na walang naiulat na nasaktan sa insidente.

Inihayag ng mga awtoridad na iniimbestigahan pa ang sanhi ng sunog.