Bumba ang subsidiyang ibinigay ng national government sa mga government-owned and -controlled corporations (GOCC) sa unang sampung buwan ng 2023.
Naitala ang pagbaba ng hanggang 9.78%, kumpara sa naibigay noong nakalipas na taon.
Batay sa report na inilabas ng Bureau of the Treasury (BTr), umabot sa P146.32 billion ang naibigay na subsidiya sa mga GOCC sa unang sampung buwan ng 2023, na mas mababa kaysa sa P162.17 billion na naitala noong nakalipas na taon.
Napunta sa Philippine Health Insurance Corporation ang pinakamalaking share na nakakuha ng P50.61 billion.
Sumunod dito ang National Irrigation Administration (NIA) na may P35.92 billion, National Housing Authority (NHA) na mayroong P17.78 billion, at National Food Authority (NFA) na nakakuha ng P8.03 billion
Umabot naman sa P5billion ang naibigay sa Power Sector Assets and Liabilities Management.