-- Advertisements --
Panelo May2
Panelo

Ipinapaubaya na ng Malacañang sa mga pulis o sundalo ang diskresyon kung gaano kalaki ang halaga ng tatanggaping regalo bilang token o pasasalamat sa serbisyo.

Magugunitang umani nang negatibong reaksyon ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang problema kung tatanggap ng regalo ang mga pulis dahil hindi naman ito suhol.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, basta ang regalo ay nominal lamang o hindi masyadong malaki ang halaga at hindi hiningi o kinotong ng pulis kapalit ng serbisyo.

Ayon kay Sec. Panelo, kung may magreklamo ay bahala na rito ang korte na magdetermina sa maaring paglabag ng tumanggap na pulis.

Inihayag din ni Panelo na bahala na ang Kongreso na mag-amyenda sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act para magtakda ng limitasyon sa halaga ng regalong pwedeng tanggapin ng pulis o sinumang government official.