TIRANA, Albania — Kinansela ng pangulo ng Albania ang nakatakda sanang municipal elections.
Paliwanag ni President Ilir Meta, kailangan daw kasi munang mapahupa ang nararanasang political tensions sa kanilang bansa.
Ayon pa kay Meta, kumilos na raw ito dahil hindi pa raw akma ang kasalukuyang sitwasyon sa nararapat na mga kondisyon para makapagsagawa ng demokratiko at tunay na halalan sa Hunyo 30.
Nagtipon-tipon naman ang libu-libong mga Albanians na suportado ang oposisyon para sa isang anti-government protest.
Paglubog ng araw, nabalutan ng usok mula sa tear gas ang mga kalsada sa Tirana.
Una nang inakusahan ng oposisyon, na pinangungunahan ng center-right Democratic Party, ang left-wing government ng pagkakaugnay sa organized crime at vote rigging, na itinanggi naman ng pamahalaan. (AP)