CENTRAL MINDANAO-Mapayapa ang National at Local Election sa rehiyon-12.
Ito ang kinumpirma ni Atty Rafael Dinopol ang tagapagsalita ng Commission on Election (Comelec-12).
Walang naitalang malalaking election related incident at matatag ang peace and order situation maliban lamang pagkakaantala ng botohan bunsod ng aberya sa vote counting machines (VCM).
Karamihan sa mga problema ay naresolba ng assigned technical support staff sa polling centers.
May mga VCM at VRVM o Voter Registration Verification Machines ang tuluyang nasira ay pinalitan ng concerned election offices kasama ng standby contingency units.
Sinabi rin ni Department of Education (Dep-Ed-12) naging “Smooth and orderly” ang eleksyon sa lahat ng polling centers at precincts sa buong rehiyon-12.
Dagdag ni Farnaso na may natatanggap na mga reklamo ang kanilang monitoring center kagaya nang pagkawala ng mga pangalan ng mga botante ngunit agad naman itong natugunan.
Walang nag-back-out na mga miyembro ng electoral board sa buong rehiyon-12.
Umaabot sa 17,000 mga guro ang nadeploy ng Dep-Ed-12 sa probinsya ng Cotabato,Sultan Kudarat,South Cotabato at Sarangani Province,kabilang na ang mga syudad ng Tacurong,Kidapawan,Koronadal at General Santos City.