-- Advertisements --
Itinuloy pa rin ng Egypt ang kanilang halalan kahit na mayroong coronavirus pandemic.
Binibigyan ng face masks at gloves ang mga botante na boboto sa sa bagong national senate.
Pinayuhan din sila na magdala ng sariling ballpen at mahigpit na sundin ang physical distancing.
Bagamat pangalawa ang Egypt sa Africa na mayroong pinakamaraming kaso ng COVID-19 ay natuloy pa rin ang botohan.
Ilan sa mga bansang nagtuloy ng kanilang halalan ngayong panahon ng pandemic ay ang Sri Lanka at Belarus.
Malalaman ang resulta ng halalan sa Agosto 19.
Ayon sa Institute for Democracy and Electoral Assistance , na mayroong 69 na bansa ang nagpaliban ng kanilang halalan.