-- Advertisements --

Nananatiling maayos ang proseso ng halalan sa Amerika sa kabila pa ng ilang mga isyu dulot ng fake bomb threats mula sa Russia at masungit na panahon ayon sa mga opisyal.

Sa ilang counties sa battleground states nagsimula ng magproseso ng mail-in ballots sa gitna ng mataas na voter turnout at inaasahang mailalabas na ang resulta gabi ng Martes o Miyerkules.

Mayroon lamang ilang mga lugar kung saan bahagyang papalawigin ang oras ng pagboto dahil sa ilang pagkaantala.

Kabilang na dito ang 15 polling locations sa Georgia counties na mananatiling bukas lagpas ng 7pm eastern time matapos maantala ang halalan dahil sa bomb threats.

Ayon naman kay Cybersecurity and Infrastructure senior adviser Security Agency Cait Coney, walang anumang national-level significant incidents ang masungit na panahon na makakaapekto sa seguridad ng mga election infrastructure.