-- Advertisements --
Simona Halep
Simona Halep/ IG post

Pasok na sa semi-final rounds ng Wimbledon si Simona Halep.

Ito ay matapos talunin si Zhang Shuai ng China sa score na 7-6(4), 6-1.

Ito na ang pangalawang beses na nakapasok sa semis ng torneo ang 27-anyos na si Halep.

Unang nakapasok ito sa semis ay noong 2014 subalit tinalo siya ni Eugenie Bouchard.

Susunod na makakaharap ng Romanian tennis star ang sinumang manalo sa pagitan nina Elina Svitolina ng Ukraine o Karolina Muchova ng Czech Republic.