-- Advertisements --

Wala pa ring balak si Republican presidential candidate Nikki Haley na umatras sa pagkapangulo ng US.

Ito ay matapos na talunin siya si dating US President Donald Trump sa primary election sa kaniyang teritoryo sa South Carolina.

Sinabi nito na hindi pa natatapos ang nasabing laban dahil sa may ilang estado pa ang kaya niyang talunin ang dating pangulo.

Giit pa ng dating South Carolina governor na hindi lamang siya ang kandidato ng pagkapangulo ang nabigo sa sariling teritoryo dahil sa may ilang mga nagdaang kandidato ang natalo na rin.

Pagtitiyak niya na kaniyang paiigtinging ang mga kampanya sa Colorado, Utah, Michigan at Minnesota para maipanalo ang tinatawag ng Super Tuesday sa darating na Marso 5.