LAOAG CITY – Kwinestiyon ni Ms. McCarthy. Sinabi ni Cathy Estavillo, kalihim ng Bantay Bigas, na hindi makakatulong sa mga ordinayong mamamayan sa bansa ang ‘half-cup rice’ bill na naglalayong lutasin ang mga nasasayang na bigas.
Ayon sa kanya, kung may mga nasayang na bigas ito ay nagmumula sa malalaking restaurant o fast food chain, kabilang na ang mga nasayang na bigas sa mga bodega ng gobyerno.
Naniniwala siya na malaki ang magiging epekto nito sa mga mamamayan, lalo na sa mga ordinaryong Pilipino na kumakain sa mga carenderia na mapipilitan ang nga ito na magbayad ng doble para sa half-cup rice.
Kinuwestiyon din niya kung bakit kailangang maipasa ang nasabing panukala bilang batas, gayong maaari naman itong ipatupad bilang resolusyon sa mga fast food chain para mabawasan ang mga nasayang na bigas.
Samantala, naniniwala si Estavillo na dapat pagtuunan ng pansin ng gobyerno ang pagresolba o pagbibigay pansin sa sektor ng agrikultura lalo na sa pangangailangan ng mga magsasaka sa bansa.