KORONADAL CITY – Umabot sa labing limang (15) public schools sa lungsod ng Koronadal ang nagpatupad ng half day na face-to-face classes sa lungsod ng Koronadal dahil sa sobrang init ng panahon sa lungsod ng Koronadal.
Ito ang kinumpirma ni Mr. Randy Pendilla, principal ng Concecption National HIgh School sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.
Ayon kay Pendilla, sa nasabing bilang dalawa nag mga secondary schools at 13 mga elementary schools kabilang na ang kanilang paaralan.
Napag-usapan umano ito ng mga principal ng ibat-ibang paralan matapos ang reklamong natatanggap sa kanilang mga guro at estudyante sa hindi maipaliwanag na mainit na panahon at kinagabihan ay bumubuhos naman ang malakas na ulan.
Ito ay sa layuning matiyak ang kaligtasan ng mga guro at estudyante.
Dagdag pa nito dahil sa ganitong set-up, s aumaga ay magtuturo ng leksiyon ang mga guro habang padadalhan naman ng Gawain ang mga bata sa kanilang tahanan bilang homework.
Sa ganitong paaraan ibinalik ang blended learning na ipinatupad noong kasagsagan pa ng Covid-19 pandemic na dumaan muna sa masusing assessment ng kanilang Technical Working Group o TWG.
Siniguro naman ng opisyal na nakatutok pa rin angmga guro upang maiwasan ang learning gaps na nagpahirap din sa mga guro at estudyante.
Sa ngayon, nakadepende sa panahon at assessment ng Deped ang pagtanggal sa blended learning at pagbalik sa normal na klase ng mbga estudyante.