-- Advertisements --
Kapansin-pansin ngayong araw sa mga isinagawang flag ceremony ang paglalagay sa kalagitnaan lamang ng Philippine flag.
Alinsunod ito sa Presidential Proclamation 728 na nagtatakda ng day of mourning o araw ng pagluluksa para sa pananalasa ng bagyong Kristine na kumitil sa mahigit 100 katao, lalo na sa Bicol at Calabarzon region.
Matatandaang binaha ang malaking bahagi ng Bicol at nagkaroon naman ng landslide sa Talisay, Batangas.
Sa paglilibot ng Bombo Radyo, ang mga tanggapan ng gobyerno at maging ang nasa pribadong hanay ay pawang nasa kalagitnaan lamang ng flag pole ang kanilang mga watawat.
Maging ang mga paaralan ay naglaan din ng ilang minutong katahimikan bilang pakikidalamhati sa mga pumanaw sa nagdaang sakuna.