Hindi makapaniwala at lubos ang pasasalamat ng Filipina-Chinese actress na si Cathy Ang matapos matanggap ng kaniyang pinagbibidahang pelikula na Over The Moon ang Oscar nomination para sa Best Animated Feature ngayong taon.
Ibinahagi nga ng 25-year-old LA-based actress ang isang reaction video kasama ang kanyang boyfriend at hindi napigilang umiyak ng Half-Pinay ng ianunsiyo na kabilang sa listahan ng mga nominado ang kanilang critically-acclaimed animated film.
Si Cathy ay anak ng mga Filipino-Chinese doctors na tubong Binondo, Manila at Bagabag, Nueva Vizcaya.
Sa una ng naging exclusive interview ng Star FM Baguio sa aktres, na boses sa likod ng lead character na si Fei Fei, una na nitong ibinahagi na ipinagmamalaki niya ang kanyang pagiging Pilipino at masaya ito na mairepresenta ang bansa sa kanyang mga proyekto.
“I’m so glad that I can, you know, maybe represent the Filipino community a little bit, and give them something to celebrate. Maraming salamat. I don’t know how to thank you enough. I’m so grateful that you’ve all been supportive.”
Ang Netflix film nga ay kinabibilangan ng isang all-Asian cast sa direksiyon ng iconic animator na si Glen Keane.
Nominado rin sa kategorya ang mga pelikulang “A Shaun The Sheep Movie: Farmageddon”, “Onward”, “Soul” at “Wolfwalkers”.
Magaganap ang 93rd Academy Awards sa April 27, oras sa Pilipinas.