-- Advertisements --
Nicole Severo
Nicole Severo/ IG post

CAUAYAN CITY- Inamin ng kinatawan ng Italy sa Miss Asia Pacific International 2019 na isang half filipina na mas malapit sa kanyang puso ang kulturang pilipino.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Italian Candidate Miss Nicole Severo, sinabi niya na kahit nasa Italy siya ay tagalog ang kanyang salita lalo na kung kausap niya ang kanyang ina na si Ginang Marivic Miguel Severo na tubong Bulacan.

Itinuturing anya niya ang kanyang sarili na purong pilipina dahil sa pagkahilig nito pagkaing Pinoy, at pagmamahal nito sa kulturang Pinoy maging ang kalooban ng Pilipino na matulungin.

Anya, excited siya na makilahok sa Miss Asia Pacific International dahil sa makakapanood anya ang lahat ng kanyang mga kamag-anak sa Pilipinas.

Bagamat hindi anya siya gaanong napapansin dahil sa kumakatawan siya Italya ay marami naman umanong natutuwa sa kanya kung naririnig na siyang nagsasalita ng Tagalog.

Samantala, inihayag sa Bombo Radyo ng kinatawan ng Guam na si Miss Cyndal Abad na isa ring half filipina kung saan ang kanyang tatay na isang Bicolano.

Anya, proud din siya sa pagiging pilipino dahil sa mga magagandang katangian na maaaring ipaglaki sa buong mundo.

Samantala, mahigpit ang ipinapatupad na seguridad ng pulisya sa gaganaping swimsuit at long gown competition Miss Asia Pacific International 2019 ngayong gabi sa Nagtipunan, Quirino

Bago ang swimsuit at long gown competition competition ay naunang nagsagawa ng araw ng tree planting activity ang mga kandidata sa viewpoint sa bayan ng Nagtipunan at feeding program sa mga katutubo ng lalawigan ng Quirino.