-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nagpapatuloy ngayon ang ginagawang contact tracing sa mga nakasalamuha ng mga empleyado ng Ramon Avanceña Hall of Justice sa Iloilo na nagpositibo sa COVID-19.

Napag-alaman na 10 mga empleyado ng Hall of Justice ang nagpositibo sa COVID-19 kung saan karamihan sa mga ito ay nakatalaga sa Provincial Prosecutor’s Office at Public Attorney’s Office.

Ayon kay Executive Judge Ma. Yolanda Panaguiton-Gaviño, simula ngayong araw hangang sa Byernes, Pebrero 26, nakalockdown ang Hall of Justice.

Mismo si Honorable Deputy Court Administrator Jenny Lind Delorino anya ang nagbigay ng pahintulot sa pagpapatupad ng closure at suspension sa court transaction.

Nagsagawa na rin anya ng mass testing upang matukoy kung may ibang pang mga empleyado na nahawa ng COVID-19.