-- Advertisements --

Umabot na 12 katao ang nasawi sa ilang insidente mass shooting sa Halloween weekend sa US.

Base kasi sa talaan ng mga kapulisan sa US na mayroong 11 mass shootings ang nangyari nitong holiday weekends.

Bukod sa mga nasawi ay nasa 52 katao rin ang nasugatan sa magkakahiwalay na insidente.

Ayon sa mga eksperto, tumaas ang bilang ng mga mass shooting sa US nitong kasagsagan ng coronavirus pandemic.

Ngayong taon lamang ay mayroong 599 na mass shootings ang naitala kung saan noong 2020 ay mayroong 611 na insidente habang 417 naman noong 2019.