-- Advertisements --
Nasa isang milyong katao ang dumalo sa misa na pinangunahan ni Pope Francis sa Madagascar.
Maaga pa lamang ay dagsa na ang mga tao sa Antananarivo ang capital ng Madagascar.
May ilan naman ang nag-camping na sa lugar para matiyak ang pagdalo sa misa.
Ito na ang pangalawang bahagi ng three-leg African tour ng Santo Papa na unang binisita ang Mozambique at susunod na bibisitahin nito ay ang Mauritius.